By: Antonino Gildo
Inanunsyo ng lokal na pamahalaang- lungsod ng Parañaque na pansamantalang magkakaroon ng scheduled power interruption sa ilang bahagi ng Upper Bicutan (Taguig) at San Martin de Porres sa Parañaque City.
Ayon sa LGU magsisimula ang power interruption 11 PM ng Huwebes, Feb. 12 hanggang 4 AM ng Biyernes, Feb. 13, 2026.
Kabilang sa maapekturan ng brownout ang bahagi ng Raja Sumakwel Street mula A. Bonifacio Ave hanggang Purok 1, Purok 2, Purok 3 at Sitio Sampalocan sa Bgy. Upper Bicutan, Taguig City.
Apektado din ang Sitio GSIS, Sitio Sampalukan at Sitio Sto. Nino sa Bgy. San Martin De Porres sa Parañaque.
Pinapayuhan ang mga residente na mag-charge na ng mga gadget, ihanda ang emergency lights at i-unplug ang appliances bago ang oras ng interruption para iwas abala at power surge.














