Latest News

Ikatlong Pilipino na nasawi sa Israel-Gaza war kinumpirma ng DFA

Opisyal na kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang isa pang Pilipinong nasawi sa nagpapatuloy na sigalot ng Israel-Hamas.

Iniulat ng DFA na ang nasawi ay isang 49-anyos na caregiver mula sa Negros Occidental.

“We join the nation in extending our deepest sympathies to the latest casualty,” pahayag ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo De Vega sa isang press briefing.


May tatlo pang nawawalang Pinoy, ngunit optimistiko ang DFA na sila ay matagpuan.

“It doesn’t mean na wala nang pag-asa, kasi as we said before, maraming kulang a week ago. Tapos paunti nang paunti.. Possibly, magpapakita itong tatlo,” dagdag pa ni De Vega.


Itinutulak ng DFA ang isang humanitarian corridor sa pagitan ng Gaza at Egypt dahil sa patuloy na pagbara sa hangganan ng Israel-Gaza. Sa 131 Pinoy sa Gaza, 92 ang nagnanais na makauwi.

“Not one has been repatriated yet because of the fact that Gaza is under a blockade, but we are working on it,” ayon kay De Vega.


Ang mga unang Pilipinong nasawi sa on-going conflict sa lugar ay naitala noong Oktubre 11 — ay isang Filipina nurse na nakatalaga sa Kibbutz Kfar sa Gaza at isang Pilipinong caregiver.

Tags: Department of Foreign Affairs (DFA)

You May Also Like

Most Read