Isa na namang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang itinapon sa gilid ng highway sa bayan ng Pagbilao sa Quezon province Sabado ng umaga.
Sa ulat ng Pagbilao Municipal Police Station , dakong alas-7:40 kahapon ng umaga nang madiskubre ang bangkay sa gilid ng Maharlika highway sa Sitio Sapinit, Brgy. Silangang Malicboy.
Hinihinalang itinapon lamang sa lugar ang nasabing bangkay dahil walang nakitang basyo ang mga awtoridad bagamat lumilitaw sa imbestigasyon na may sugat ito sa ulo na hinihinalang tama ng bala ng bala.
Magugunitang kamakailan lamang ay isang lalaking nakuhanan pa ng CCCTV na dinukot sa isang gas station sa Batangas ang natagpuang patay sa Quezon na nakabalot ng packaging tape ang ulo at may tama ng bala.
Isa rin Delivery rider na inulat na nawawala sa Bulacan ang natagpuang patay sa Tiaong, Quezon
Tinatayang nasa edad 45 hanggang 50 anyos ang huling biktima at nakasuot ng gray na t-shirt at itim na pantalon habang kasalukuyang inaalam pa ang pagkakakilanlan dito. (VICTOR BALDEMOR)