Muling nanawagan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC sa sambayanang Pilipino na makiisa sa gaganaping Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill o NSED sa ika-9 ng Hunyo, alas nuwebe ng umaga.
Sa pangunguna ng NDRRMC at Office of Civil Defense (OCD), gaganapin ang programa ng online NSED nang 8:00 AM at live na mapapanood sa NDRRMC at Civil Defense PH Facebook pages.
Nakatakdang magbigay ng mensahe sina Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana, Department of Labor and Employment Sec. Silvestro Bello, Department of Human Settlements and Urban Development Sec. Eduardo Del Rosario, Department of Interior and Local Government Sec. Eduardo Ano, Department of Social Welfare and Development Sec. Rolando Joselito Bautista, Department of Science and Technology Undersecretary Renato Solidum Jr., Civil Defense Administrator and NDRRMC Executive Director Usec. Ricardo Jalad, Civil Defense Deputy Administrator and Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, at Trade Union Congress of the Philippines President Raymond Democrito Mendoza.
Kaugnay ng Second Quarter NSED, nagsagawa ang OCD ng webinar on “DRRM Across Sectors: Navigating Resilience in Migrant Work, Urban Settlements and the Informal Working Environment” kaninang umaga, Hunyo 6, 2022.
Kahapon ay nagsagawa ng online functional exercise ang Cagayan RDRRMC at Provincial DRRMC ng Tuguegarao para sa kanilang kahandaan laban sa lindol.
Patuloy ang panawagan sa lahat na maging handa anumang oras at makiisa sa mga programa at gawain na may layuning palakasin ang kahandaan ng bawat mamamayan at pamilya mula sa banta ng lindol at iba pang panganib.
Una ng nagsagawa ang Office of Civil Defense (OCD) ng isang webinar tungkol naman sa mga Migrant Work, Urban Settlements at Informal Working Environment.
Habang ngayong araw ay nagsasagawa ang OCD ng online functional exercise para sa Cagayan RDRRMC at Provincial DRRMC ng Tuguegarao, bilang paghahanda sa lindol.
Patuloy naman ang panawagan ng NDRRMC sa lahat na maging handa anumang oras at makiisa sa mga programa at gawain na may layuning palakasin ang kahandaan ng bawat mamamayan at pamilya mula sa banta ng lindol at iba pang panganib. (VICTOR BALDEMOR)