Ika-5 suspek sa Degamo slay na nag-ugnay kay Teves sa Degamo slay, bumawi na din ng testimonya

By: Anthony Quindoy

Nag -recant na rin ng kanyang testimony ang Isa pang suspek sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo na nag-ugnay kay Representative Arnolfo “Arnie” Teves, Jr. sa krimen.

Nabatid na si Joven Javier ang ikalimang suspek na naging witness na nag-recant ng kanyang testimonya.


Ayon kay Atty.Danny Villanueva,legal counsel ni Javier,binago nito ang kanyang apat na statement na ginawa noong Marso 5 sa mga pulis sa Negros Oriental at tatlong statement na Ibinigay sa National Bureau of Investigation (NBI sa Maynila.

“Ang sabi niya kasi, ‘yung nauna sa pulis na binabanggit doon na siya ay kasama sa mga unang ni-recruit, na kasama siya noong December 22, 2022, na nag-attempt sana na-ambushin si Governor Degamo at nung mga panahon na ‘yun ay doon sila nag stay sa isang safe house malapit sa ancestral house ng mga Teves,” ani Villanueva.

“‘Yun po ang nag i-implicate kay Congressman Teves doon sa una niyang pahayag,” dagdag ni Villanueva.


Sinabi ni Villanueva na idinagdag ng NBI ang pangalan ng iba pang suspek sa affidavit ni Javier na noong una ay mga alyas lamang dahil sinabihan siya ng NBI na makipagtulungan sa imbestigasyon.

Sinabi ni Villanueva na si Javier ay tinorture rin sa Negros Oriental at sa Maynila.


Nakatakda rin na mag-file ng petition for habeas corpus para sa pagpapalabas kay Javier sa Manila Regional Trial Court.

Nauna rito ay sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na inaasahan na nilang magbabago ng testimonya ang ilang suspek matapos na mabigyan ng abogado.


Tags: Negros Oriental Governor Roel Degamo

You May Also Like

Most Read