IG NI PAOLO CONTIS, PRIVATE NA

By: Baby Cuevas

Bina-bash si Paolo Contis at ang bago niyang movie “Dear Satan” kaya siguro naging private na ang kanyang Instagram account.

Dinepensahan ng Kapuso actor ang mga nambabash sa kanyang movie na binigyan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng X-rating.


Ayon sa MTRCB chair Lala Sotto, her faith dictates na this movie offended her.

Pagkatapos ma-review ng MTRCB ang “Dear Satan,” pinalitan na ang title ng movie ni Paolo.

Sa panayam sa aktor, sinabi niyang may magandang mensahe ang kanilang pelikula tulad ng having a child-like faith.


Aniya pa, the movie literally shows a child-like faith. Dapat daw ay susulat ang bata kay Santa Clause, pero na-misspelled nito ang Dear Santa sa Dear Satan, unintentionally. Si Paolo ang gumaganap na Satan and he was trying to deceive the child, pero pumalpak siya dahil sa sobrang faith ng bata sa Diyos.


Tags: Paolo Contis

You May Also Like