By: JANTZEN ALVIN
Itinanggi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang ulat na siya ay nasa intensive care unit (ICU),at tinawag niya itong malisyosong propaganda ng kanyang mga kritiko.
Kasabay nito,hinamon ni Remulla,ang kanyang mga kritiko na magpakita ng ebidensiya sa kanilang alegasyon.
“Wala ‘yon, show proof na meron (that I was in ICU). Impossible that I was in ICU. Wala. Kalokohan’ yon. That’s political propaganda of some desperate people,” giit ni Remulla.
Tinuya pa ni Remulla ang spekulasyon na siya ay dumanas ng atake sa puso at nasa ICU.
“I can stand here for several hours. My heart is good. But there are things that we have to work on for my physical health,” dagdag ni Remulla.
Gayunman,inamin ni Remulla na kinakailangan niya ng atensiyon sa kanyang kalusugan pero hindi na niya idinetalye pa kung ano ang nabanggit na sakit.
Nabatid na noong nakalipas na Hulyo,sinabi ni Remulla na sumailalim siya sa coronary artery bypass surgery.
Sa kabila ng seryoso ang operasyon, nanatili ang kanyang intensyon na manatili sa opisina at hindi umano hadlang ang kanyang kondisyon sa kanyang performance.














