By: JANTZEN ALVIN
May posibilidad na payagan ng gobyerno ng Pilipinas ang International Criminal Court (ICC) na.magsagawa ng imbestigasyon sa bansa kaugnay sa naging drug war ng dating administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“We’re not here to stop them because if they’re not doing anything illegal, there’s nothing wrong with that,” ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Ang pahayag ay ginawa ni Remulla sa panayam ng Kyodo news kung saan tinukoy ang akegasyon ng mga kritiko na bunalewala ang human rights at nagresulta ng pagkamatay ng libong katao.
“If they’re getting statements, they’re getting evidence. It’s okay,” giit ni Remulla. “But we have to clarify many issues, especially about procedure,”dagdag ni Remulla.
Nabatid na ang Pilipinas ay hindi na miyembro ng ICC matapos na magwithraw si Duterte.
Gayunman, Iginiit ng Hague-based tribunal na nanatili ang kanilang hurisdiksiyon ang Pilipinas dahil ginawa umano ang krimen noong miyembro pa ang Pilipinas na nagsimula Nobyembre,2011.
Habang ipinatupad naman ni Duterte ,ang giyera laban sa iligal na droga ni Duterte ay nagsimula noong 2016 hanggang 2022 kung saan ang mga pinaghihinalaang drug pusher at user ay naging biktima ng extra judicial killings.
Ayon kay Remulla, may nakarating sa kanyang ulat na may mga imbestigador sa ICC Office of the Prosecutor ang bumisita sa Pilipinas at umaasa na magkakaroon sila ng ugnayan sa DOJ .
“We will have to deal with several legal implications of the action of the ICC in the Philippines, and it might have to end up in the Supreme Court of the country,” dagdag ni Remulla.
Tiyakin umano na mairerespeto ang karapatan ng tao ng mga naturang imbestigador ng ICC.
Magugunita na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pumalit kay Duterte ay tutol sa imbestigasyon ng ICC dahil may kakayahan naman ang mga lokal na awtoridad na.magsagawa ng imbestigasyon.
Gayunman ,hindi inalis ni Marcos ang posibilidad na sumali muli ang Pilipinas sa ICC at ito ay masusing pinag-aaralan ng gobyerno.














