Sa paggunita ng Pilipinas sa ika-pitong taon ng arbitral ruling na ibinaba ng Permanent Court of Arbitration (PCA) noong July 12, 2016 na pumapabor sa Pilipinas at nagbabasura sa 9 Dash Lane o historical claim ng China sa ilang pinag aagawang teritoryo sa South China Sea ay nagpahayag ang ibat ibang bansa ng kanilang suporta para kilalanin at ipatupad ang nasabing ruling.
Muling nagpahayag ng kanilang suporta ang European Union at 16 na iba pang mga bansa para sa 2016 Arbitral Ruling, na tinatawag itong “isang makabuluhang milestone, na legal na nagbubuklod sa mga partido sa mga paglilitis na iyon, at isang kapaki-pakinabang na batayan para sa mapayapang paglutas ng mga hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga partido.”
Pinagtibay din muli ng EU ang pangako nito para sä free and open maritime supply routes sa Indo-Pacific, ” at sa ganap na pagsunod sa international law , base sa isinasaad sa United Nation Convention on the Law of the Seas (UNCLOS) , para na rin sa interes ng lahat”.
Bilang karagdagan, sinusuportahan nito ang mabilis na pagtatapos ng mga pag-uusap sa isang epektibong Code of Conduct sa pagitan ng Association of Southeast Asian Nations at China at nanawagan na ito ay dapat na tugma sa UNCLOS habang iginagalang ang mga karapatan ng mga ikatlong partido.
Maging ang France at United States ay naki isa sa Pilipinas para pagpapatupad ng nasabing Arbitral Ruling.
Kahapon sa ginawang pahayag ni France Ambassador to the Philippine Michèle Boccoz sa “7 th Year of Arbitral Victory: Defending the West Philippine Sea, the Indo-Pacific and the Rules-Based Order”…ay inulit nito ang pahayag base sa ginanap na G7 Foreign Ministers’ communiqué na: “There is indeed no legal basis for China’s expansive maritime claims in the South China Sea.
Nitong nakalipas na linggo ang France kasama ang ilang bansa ay nagpahayag na “”France expressed its concern in regard to the recent developments involving Chinese vessels in South China Sea.
Nitong Miyerkules, hinimok ng Tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos na si Matthew Miller ang Beijing “na i-comport ang kanyang maritime claims sa internasyonal na batas gaya ng makikita sa 1982 Law of the Sea Convention; itigil ang nakagawiang panliligalig nito sa mga claimant state vessel na legal na gumagana sa kani-kanilang eksklusibong economic zone; itigil ang pagkagambala nito sa mga karapatan ng mga estado na tuklasin, pagsamantalahan, pangalagaan, at pamahalaan ang mga likas na yaman; at wakasan ang panghihimasok nito sa mga kalayaan sa paglalayag at overflight ng mga estado na legal na kumikilos sa rehiyon.”
Idinagdag pa ni Miller na ang Estados Unidos ay magpapatuloy sa pakikipagtulungan sa mga kaalyado at mga katuwang “upang isulong ang isang malaya at bukas na Indo-Pacific, na para sa kapayapaan at batay sa paggalang sa internasyonal na batas.”
Hanggang kahapon ay hindi pa rin natitinag ang nasa 48 Chinese fishing vessels sa Iroquois Reef.
Ayon kay Commander Ariel Joseph Coloma PIO Chief ng AFP Western Command kung saan hindi aniya umaalis ang mga sasakyang pandagat ng China na nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Aniya, hindi nila alam ang pakay ng mga Chinese vessel pero nakaangkla ang mga ito ngunit wala namang fishing activities.