Latest News

IBANG BRANDS NG MOLNUPIRAVIR AT LOCAL MANUFACTURER, MAY EUA NA

BINIGYAN na ng Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authorization ang ilan pang brand ng COVID-19 drug na molnupiravir, kabilang na ang isang local manufacturer nito.

Sa isang taped public briefing kay Pang. Rodrigo Duterte, sinabi ni FDA officer-in-charge Oscar Gutierrez na kabilang sa mga nabigyan ng emergency use authorization (EUA) ay ang Molnarz (Faberco); Molnaflu (Medethix); Auxilto (German Quality Pharma); Molxvir (Sun Pharma); Molnatris (Mykan) at Molnupiravir Generic (Lloyd Laboratories/Dr. Zen’s Research).

Ayon kay Gutierrez, ang Lloyd Laboratories ay may kakayahang mag-produce ng hanggang isang milyong kapsula ng gamot kada taon upang ma-accommodate ang may 25,000 hanggang 50,000 pasyente ng COVID-19.


Dagdag pa ni Gutierrez, ang mga generic products ay karaniwan nang ipinagbibili sa mas mababang halaga o mas mura ng 30% hanggang 50% sa presyo ng mga branded na gamot.

Nilinaw naman ni Gutierrez na tanging ang national government lamang ang maaaring bumili ng mga produktong nabigyan ng EUA.

Ang mga ito aniya ay idedeliber ng Department of Health (DOH) sa mga health facilities at healthcare providers na siya namang mag-a-administer ng mga ito at magkakaloob sa mga pasyente.

Ang molnupiravir ay isang prescription drug na ginagamit na panlunas sa mga pasyente ng COVID-19 na may mild hanggang moderate na sintomas ng sakit.


Maaari lamang itong inumin ng pasyente sa ilalim ng istriktong superbisyon ng isang doktor.

Samantala, iniulat rin ni Gutierrez na nagsumite na rin ang Pfizer ng aplikasyon para sa EUA ng Paxlovid, at under evaluation na ito ngayon.

Tags:

You May Also Like

Most Read