IACAT, nagbabala vs. online job scams

By: Baby Cuevas

Muling nagbabala sa publiko ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ng Justice Department (DOJ) laban sa mga iniaalok na online jobs abroad, partikular na iyong mga may kaugnayan sa “love scammers.”

Ang babala ay ginawa ng IACAT kasunod ng repatriation ng 27 Filipino mula sa Phnom Penh, Cambodia, na nasagip mula sa human traffickers.


Kabilang dito ang 12 indibiduwal na isinakay ng boat para maiwasan ang pagbusisi ng immigration, kung saan 11 oras silang naglayag sa dagat mula Zamboanga hanggang Sabah, Malaysia, bago dumating sa b Cambodia, habang ang 14 na indibiduwal ay nagprisinta bilang ordinaryong turista.

Ang isa sa napauwi aymay posisyon sa gobyerno at ang iba naman ay may iba’t-ibang dahilan.

Isa lamang ang may kaukulang dokumento bilang Overseas Filipino Worker at ang destinasyon ay sa Palau at hindi sa Cambodia.


Hinimok ng IACATang publiko na kapag may nalamang kaso ng human trafficking ay kaagad na isumbong sa 1343 Actionline sa Metro Manila at 1& (02) o 1343 kung sa labas ng ng Metro Manila, at email address asecretariat@iacat.gov.ph.


Tags: Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT)

You May Also Like

Most Read