I KILO NG SHABU, NASAMSAM; 4 KATAO, HULI NG PDEA

By: Victor Baldemor Ruiz

NASA isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon ang nasamsam sa isinagawang anti- narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at local police na nagresulta sa pagkakadakip sa apat na hinihinalang mga bigtime drug personalities sa Quezon City.

Ayon sa ibinahaging report ni PDEA Public Information Office chief Director Laurefel Gabales, apat na pinaniniwalaang high- value target ang nadakip ng kanilang mga tauhan sa isinagawang buy- bust operation ng PDEA RO NCR – QCDO, katuwang ang PNP, sa Barangay E.Rodriguez ,Sr. sa Quezon City nitong nakalipas na linggo.


Kinilala lamang ang mga nadakip na sina Alias “Ron-Ron,” 38; Alias “Jay-Jay”, 37; Alias “Ken”, 35 at Alias “Jap”, 22 anyos.

Nakuha sa mga suspek ang isang pulang eco bag na naglalaman ng apat na knot-tied plastic bags, isang white plastic na may isang transparent plastic sachet at isang black plastic bag na may lamang transparent plastic sachet. Ang anim na pakete ay pawang naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit -kumulang sa isang kilo at may street value na aabot sa P6,800,000.

Kabilang sa mga non-drug evidence na nakuha ng mga operatiba ang ilang cellular phones, buy-bust money, drug paraphernalia at mga identification cards mula sa mga suspek.


Pawang ipinagharap ng kasong paglabag sa Sections 5 and 11 of Art. II of RA 9165 ang mga nadakip.


Tags: Philippine Drug Enforcement Agency

You May Also Like

Most Read

Latest News