HUWES, DINISMISS AT DINISBAR NG SC

By: Philip Reyes

INIATAS ng Supreme Court (SC) ang pag-dismiss at pag-disbar sa isang Judge sa Calamba Municipal Trial Court dahil sa paggawa umano ng maling certifications at ‘misappropriation’ sa sahod ng kanyang mga kawani.

Sa 42-page pahinang per curiam Decision ng Supreme Court En Banc, napatunayan na si Judge Sharon M. Alamada-Magayanes, Vice-Executive Judge at Presiding Judge ng Branch 3, Municipal Trial Court ng Calamba City, Laguna, ay ‘guilty’ sa kasong Falsification of Official Documents, Serious Dishonesty, Gross Misconduct, Commission of Crimes Involving Moral Turpitude at paglabag sa New Code of Judicial Conduct.


Diumano ay inamin ng hukom na ang lagda sa payroll na nakarehistro sa City Government of Calamba kaugnay sa contractual driver. Sinertipikahan pa niya na ang dating driver ay nagseserbisyo pa sa kanya subalit matagal nang nagbitiw sa kanyang tungkulin sa korte.

Napag-alaman na ang ATM cash card ng nasabing driver ay nasa kanya mula Setyembre 2020 hanggang Hulyo 2021 at ang laman nito ay nai-witdhraw sa utos ng hukom.

Gayundin, iniutos ng SC En Banc na maparusahan ng disbarment ang Hukom dahil sa bigat ng kanyang kasalanan.


Dahil dito ay apektado ang retirement benefits ng hukom at habambuhay na hindi na makakapag- praktis ng pagka-abogado.

Samantala, ang mga co-respondent ng Hukom na lanyang staff na sina Rachel Worwor-Miguel (Worwor-Miguel), Clerk of Court III at Beverly A. De Jesus (De Jesus), Court Stenographer II ay napatunayan namang ‘guilty’ sa Falsification of Official Documents at Serious Dishonesty dahil sa pagpalsipika ng payroll ng driver.


Dahil sa hindi naman umano sila nakinanang sa pera at inutusan lamang sila ng hukom, pinagmulta na lamang ng En Banc si Worwor-Miguel ng halagang P140,000.00 dahil sa.pagpalsipika ng payroll habang P20,000 naman kay De Jesus.


Tags: Supreme Court (SC)

You May Also Like