Latest News

Humigit 1.1 million ng shabu, kumpiskado sa buy-bust operation sa Calamba City

Kampo Heneral Paciano Rizal – Kumpiskado sa drug dealers ang 165 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P1,122,000 sa drug buy-bust operation sa Calamba City madaling araw ng Martes.

Kinilala ni Police Colonel Cecilio Ison, Jr ang mga suspek na sina Misuari Diveda Darang, Jr. aka Carding, 24 at Makikarim Sabuyogan aka Maku, 18 yo, parehong walang trabaho at residente sa Brgy. Looc, Calamba City Laguna.


Nahuli ang mga suspek matapos ikasa ng Calamba City Police Station (CPS) ang buy-bust operation sa ganap na alas-2:03 ng madaling araw ng August 9, 2022, sa Kalantas Street, Brgy. Looc, Calamba City, Laguna.

Sa nasabing operation, nahuli sa akto ang pagsasabwatan ng dalawang suspek sa pag-abot ng isang sachet ng hinihinalang shabu kapalit ang dalawang libong piso (PHP 2000.00) sa pulis na umaktong poseur buyer.

Nakumpiska sa suspek ang isang sachet na naglalaman ng 165 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahlaga ng humigit- kumulang P1,122,000 habang nakumpiska naman ang buy-bust money, 12 piraso ng P1,000 bills na boodle money at limang piraso ng P100 bills na hinihinalang drug money.


Si Darang, Jr. ay nakalista umano sa drugs watchlist bilang isang high value individual habang si Sabuyogan ay isang street level individual.

Nasa kustodiya na ng Calamba CPS ang mga suspek at sasampahan ng kaso sa pagbebenta, pag-iingat, at pakikipagsabwatan sa illegal drug trade si Darang, Jr. habang si Sabuyogan ay sasampahan naman ng pakikipagsabwatan kay Darang, Jr sa illegal drug trade.


Ayon kay PCol. ISon, Jr, “Despite our intensified campaign against illegal drugs ay may mga nahuhuli pa rin tayo na mga drug dealers. This means they are real enterpreneurs who know the business, customers, competition, money, and survival; nevertheless, we assure that their arrest will be irresistible dahil ang kampanya kontra droga ay hindi lang sa kapulisan nakasalalay kundi katuwang ng kapulisan ang komunidad na kanilang ginagalawan.”

Sa kanyang pahayag, tiniyak ni PBGen Jose Melencio Nartatez, Jr na mas paiigtingin pa ng Kapulisan ng Calabarzon ang operations at campaign nito laban sa iligal na droga. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Calamba City Police Station (CPS)

You May Also Like