HUMAN TRAFFICKING CASE, INIHAIN NG PNP-C IDG

By: Victor Baldemor Ruiz

PORMAL nang nagsampa ng reklamo ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) laban sa mga nasa likod ng Lucky South 99, ang sinalakay na POGO sa Porac, Pampanga.

Kabilang sa mga kinasuhan sina Cassandra Li Ong at Ronalyn Baterna na kapwa nahaharap sa kasong qualified human trafficking na inihain ng PNP-CIDG at PAOCC.


Bukod sa daalwa ay may 52 iba pa na kinabibilangang ng mga foreign national at Filipino ang isinama rin sa reklamo ng PAOCC at PNP-CIDG kasama ang iba pa na may kinalaman sa iligal na gawain sa Lucky South 99.

Ayon kay PAOCC Spokesperson Winston Casio, mas lalong naging ‘tight case’ ang inihain nilang reklamo kasunod ng nakuha nilang salaysay mula sa 10 Chinese nationals na naging biktima ng nasabing POGO.

Lumitaw sa preliminary investigation na ang mga nasabing Chinese nationals na napunta sa Lucky South 99 ang mga pinautang at nang hindi nakabayad matapos matalo sa sugal ay hindi na sila binitawan at sapilitan silang pinagtrabaho.


Tags: Philippine National Police -Criminal Investigation and Detection Group (PNP -CIDG)

You May Also Like