Latest News

Human trafficker, kinasuhan ng NBI

By: Baby Cuevas

Sinampahan na ng kaso ng National Bureau of Investigation-Anti-Violence Against Women and Children Division (NBI-AVAWCD) sa Department of Justice (DOJ) ang naarestong human trafficker noong Setyembre 13 sa Tejeron St., Sta.Ana, Maynila.

Nabatid na kinasuhan ng paglabag sa Republic Act No. 9208 (the Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, as amended by RA 11862 in 2022) at RA 7610 (the Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act),ang suspek na si Delan Perdis o Dylhan, dahil sa ‘exploitation’ ng mga menor de edad para sa online sex trade.

Nakadetine sa NBI Jail sa Muntinlupa City si Perdis habang hinihintay ang commitment order kung saang jail facility siya ilalagak.

Nabatid na binigyan umano ng impormasyon ng Destiny Rescue Philippines ang NBI kaugnay sa mga indibiduwal na sangkot sa pag- aalok ng mga menor de edad ng sexual service sa online.

Ayon sa preliminary report, ginagamit umano ng suspek ang social media platform partikular na ang Facebook para makakuha ng potensiyal na customer.

Kaagad na nagsagawa ng surveillance operation ang NBI kung saan isang impormante ang nakipa-gtransaksiyon sa suspek kung saan nagkasundo sila na bayaran ng P3,000 ang nagustuhang menor de edad para sa ‘sex service’.

Kasama ng NBI ang Manila Department of Social Welfare and Development (DSWD), Inter-Agency Council Against Trafficking in Persons (DOJ-IACAT), at Manila Police District (MPD) nang magsagawa ng operasyon kung saan naaresto ang suspek at nasagip ang anim na menor de edad.

Tags:

You May Also Like

Most Read