HUMAN TRAFFICKER, KINASUHAN NG DOJ

By: Philip Reyes

Ipinagharap ng kaukulang kaso ng Department of Justice (DOJ) ang isang human trafficker na inakusahan ng pagbebenta ng malalaswang larawan at video ng menor de edad online.

Kasong paglabag sa Section 4 (c) of Republic Act No. 11930, na kilala bilang “Anti-Online Sexual Abuse of Exploitation of Children (OSAEC) and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) Act ang isinampa laban kay Benjie Ortillano, na kilala rin bilang “Bench Ortillano Lee,” sa Cabanatuan, Nueva Ecija Regional Trial Court.

Una nang pinaghinalaan si Ortillano na nagkakaloob ng CSAEM materials sa mga parukyano nito sa online.


Bata sa natanggap na intelligence report mula sa Department of Justice-Inter-Agency Council Against Trafficking (DOJ-IACAT), kaagad na nagsagawa ng surveillance ang National Investigation Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR) laban sa suspek .

Sa pamamagitan ng paggamit ng Open Source Intelligence, nagawa ng NBI na makapasok sa social media accounts na nag-uugnay kay Ortillano, kabilang na ang Twitter handle “@baste_xxx” at Facebook account sa ilalim ng “Bench Ortillano Lee,” na napag-alamang nag-aalok ng malalaswang video at larawan ng minors at nag-aalok pa ng discount para magkaroon ng access sa VIP Telegram Channel.



Nadiskubre na si Ortillano ay nagma-mantina ng mga minor models at nagpapamahagi ng mga illicit materials sa pamamagitan ng kanyang Telegram channel.

Diumano, nagkakaroon ng access ang mga parukyano para makapanood online sa kanyang telegram channel sa sandaling makapagbayad ng halagang P499 na ipinapadala sa isang GCash account.


Tags: Department of Justice (DOJ)

You May Also Like