Latest News

Human rights, pangangalagaan sa bansa – Remulla

By: Carl Angelo

Tiniyak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na gagawa ng mga legal na hakbang ang gobyerno para mapangalagaan ang karapatang pantao sa bansa.

Ang pahayag ay ginawa ni Remulla sa isang event na sponsored ng Philippine Human Rights Commission (PCHR).

“We shall evaluate and modernize legislation as necessary, ensure robust enforcement, and champion equitable and impartial procedures within our judicial system,”ani Remulla.


Ang pagtitipon ay paggunita sa 75th anniversary ng pag-adopt ng bansa sa Universal Declaration of Human Rights.”

Sinabi ni Remulla na ang okasyon ay pagkilala sa dedikasyon sa hustisya at dignidad ng lahat ng tao.


“We must roll up our sleeves and confront substantive challenges. It is imperative to bridge gaps within our existing system, combat discrimination, and enhance accessibility to justice for all citizens,”dagdag ni Remulla.

Iginiit ni Remulla ang lahalagahan ng pagtutulungan ng bawat isa maging lokal at sa abroad.


Kinilala ni Remulla ang kahalagahan ng ginagampanan ng PCHR para matiyak na hindi nalalabag ang karapatang pantao ng bawat mamamayan.

Gayundin,nagbabala si Remulla sa sinuman na nagbabalak na sirain ang imahe ng gobyerno.

Tags: Justice Secretary Jesus Crispin Remulla

You May Also Like

Most Read