Latest News

Humalili sa board exam ng kapatid, arestado sa NBI

Inaresto ng National Bureau of Investigation(NBI) ang isang babae matapos na mabuko ng nakatalagang proctor na humalili ito sa kanyang kapatid sa pagkuha ng Board Licensure Examination for Professional Teachers sa Pagadian City, kamakailan.

Nabatid na si Monaida Dimakaling ay inaresto ng NBI -Pagadian District Office matapos na magpanggap na siya ay Nazia Dimakaling.

Napag-alaman na inamin naman ni Monaida na humalili siya sa nakababatang kapatid para mag-Board Licensure Examination for Professional Teachers sa Pagadian City National High School Danlugan Campus.


Napansin umano ng proctor na.magkaiba ang larawan na nakalagay sa Permanent Examination and Registration Record Card (PERRC) at sa Notice of Admission (NOA) ng Examinee No. 3 na nakapangalan kay Nazia at sa aktuwal na tao na kumukuha ng exam.

Ang naobserbahan ay ipinaalam sa Floor Supervisor na ini-report naman sa Building Supervisor na siyang humingi ng tulong sa NBI.


Kinumpiska naman ng NBI kay Monaida ang BIR ID card at Quarantine ID na nakapangalan kay Nazia.

Sinampahan ng kasong Falsification of Official Document under Article 172 in relation to Article 171, paragraph 2 of the Revised Penal Code, as amended si Monaida,gayundin si Nazia dahil sa pagsasabwatan. (Arsenio Tan)


Tags: NBI -Pagadian District Office

You May Also Like

Most Read