Latest News

HOUSE SPEAKER ROMUALDEZ, KUMPIYANSANG UUSAD SA SENADO ANG AMENDMENTS SA KONSTITUSYON

By: Jerry S. Tan

Kumpiyansa si House Speaker Martin Romualdez na ang mga proposed amendments sa economic provisions ng 1987 Constitution ay uusad sa Senado sa gitna ng naging palitan ng liderato kelan lamang.

Naniniwala daw si Speaker Romualdez na alinmang bagay na makikinabang ang publiko ay tiyak na bibigyan ng karampatang konsiderasyon ng Senado sa ilalim na pamumuno ngayon ni Senate President Francis Escudero.


“The economic amendments to the Constitution, we will leave that up to our friends in the Senate, dun pa naka-pending (it’s still pending there),” ani Romualdez sa mga mamamahayag.

Dagdag pa niya: “Sa akin naman, basta kung anong makakabuti sa taong-bayan.”

Ang resolusyon ng Kongreso at Senado na naglalayong alisin ang 40% foreign ownership limit para sa public utilities, education at advertising firms sa ilalim ng Constitution ay nauna nang inaprubahan ng House of Representatives sa final reading habang ito ay nananatili namang nasa committee level sa Senado.


Kung matatandaan, si Escudero ay palagian nang naging ‘vocal’ o hayagan sa kanyang hindi
pagsuporta sa Charter change.

Nitong Lunes, pagkatapos mag-resign si dating Senate President Miguel Zubiri at si Escudero ang pumalit, sinabi ni Escudero na ang plano para sa Cha-cha ay tatalakayin ng majority bloc.


Sabi pa ni Escudero, ang mga nakatakdang
committee hearings sa economic Cha-Cha ay hindi na itutuloy pa matapos magbitiw si Senator Sonny Angara bilang chairperson ng Senate subcommittee on constitutional amendments and revision of codes.

Abangan natin ang susunod na kabanata kung susulong nga ba ang Cha-Cha sa Senado.


* * *

Maaaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.



Tags: double tap, jerry s. tan

You May Also Like

Most Read