Si Congressman Joel Chua (Manila, 3rd district) na nagsabing tutulong sila sa ICI sa anumang kailanganin nito mula sa Infracom.

HOUSE INFRACOM, NAGSUSPINDI NG PAGDINIG, NAGBIGAY-DAAN SA ICI

By: Jerry S. Tan

Sinuspindi ng House Infrastructure Committee (Infracom) ang mga pagdinig na ginagawa nito ukol sa mga anomalya sa flood control projects.

Ito ay kasunod ng pahayag ni House Speaker Bodjie Diaz na mas nais niyang ihinto na ang pagdinig sa Kongreso at bigyang-daan na lang ang imbestigasyon ng Independent Committee on Infrastructure (ICI) na nag-umpisa na sa atas ni President Ferdinand Marcos, Jr.


Sinabi nina Infracom co-chairmen Rep. Terry Ridon at Manila third district Congressman Joel Chua na iti-turnover nila sa ICI lahat ng kanilang naging ‘findings’ at mga dokumentong nakalap sa mga ginanap nilang pagdinig.

Ayon kay Chua, ang Infracom ay tutulong sa kahit anong paraan na posiblem sakaling kailanganin sila ng ICI, upang makuha ang katotohanan.

Si Diaz mismo ang magbibigay ng mga nasabing Infracom findings at dokumento sa ICI.


Tags: Congressman Joel Chua

You May Also Like

Most Read