Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na tumaas ang hospital admission ng mga pasyente may COVID19 sa 6 na lugar ng bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naitala ang pagtaas sa apat na lugar sa. National Capital Region (NCR), 1 sa Calabarzon at 1 sa Northern Mindanao.
Ipinaliwanag ni Vergeire na ang pagtaaas ng hospitalization rate ay dahil sa pagtaas ng COVID-19 infections sa nakalipas na linggo.
“Maaring nagbaba ng number ng COVID beds, maari ring ang pumapasok na admissions natin ay mild and asymptomatic, maari rin naman na pagka sa ICU (intensive care unit) ang gamit, maaaring pumasok na iba ang kondisyon pero kapag nagpa-test for screening, biglang lumalabas na positibo sila,” ayon kay Vergeire.
Base sa datos ng DOH nitong Lunes, may 554 severe at critical.cases ang ini-admit sa hospital dahil sa COVID-19.
Sa kabuuan, 385 o 14.6% ng 2,636 ICU beds ang okupado, habang 4,033 o 18.2% ng 22,156 non-ICU COVID-19 beds ang ginagamit.
“Handa po tayo. We have been prepared and we have experienced this kind of pagtaas ng kaso in the past. In our hospitals, our local governments, alam na po nila ang kanilang gagawin sa ganito,” dagdag ni Vergeire. (Philip Reyes)














