“In a sincere display of honesty and vigilance, a concerned local citizen and two fisherfolks surrendered to authorities a total of P20,400,000.00 worth of methamphetamine hydrochloride, or shabu, found washed ashore off the coast of Ilocos Norte. “
Ito ang pinakahuling update ng Philippine Drug Enforcement Agency hinggil sa mga naglulutangang shabu sa karagatang sakop ng Luzon, matapos na kusang-loob na isinuko ng isang concerned local citizen at dalawang mangingisda sa mga awtoridad ang P20,400,000 halaga ng shabu (methamphetamine hydrochloride) na natagpuang inaanod sa baybayin ng Ilocos Norte.
Lumilitaw na ang natagpuang shabu ay nakalagay sa tatlong plastic bags na may mga Chinese character markings at may tinatayang kabuuang bigat na tatlong kilo.
Ang mga ito ay natagpuang palutang-lutang sa mga baybayin ng Barangay Pangil sa Currimao; Barangay 33-A, La Paz, Laoag City at Barangay Masintoc, Paoay na pawang nasa lalawigan ng Ilocos Norte.
Sa kabuuan ay umabot na sa 1,243.12 kilograms ang tinaguriang ‘floating shabu’ na itinatayang may halagang P8,453,216,000 ang isinuko ng mga mangingisda sa Zambales, Pangasinan, Ilocos Sur at Ilocos Norte.
Ayon kay PDEA Director General Isagani Nerez, Patuloy ang retrieval operations at pagsusuri sa mga baybaying-dagat hangga’t hindi pa ganap na na-iinspeksyon ang lahat ng karatig na lugar.
“The retrieval operations and scouring of coast lines continue until all surrounding areas are explored. This is a testament to the strong inter-agency collaboration and cooperation among law enforcement agencies, in support of local government units and seaside communities, in protecting our waters from becoming prevailing routes of drug smuggling and trafficking activities”, ani Nerez.
“What they (concerned local folks of Ilocos Norte) did indicates that honesty still works in today’s world. Citizens who are honest and vigilant in upholding the law contribute to a safer and more just society. We need more of them. They possess one of the qualities reminiscent of a Bagong Pilipino working towards a Bagong Pilipinas”, dagdag pa niya.














