Latest News

HOLDAPER NG TRUCK DRIVERS, ARESTADO

ARESTADO sa bisa ng warrant of arrest ang isang 28-anyos na diumano’y holdaper ng mga truck driver, kamakalawa sa Pandacan, Maynila.

Hindi na nakapalag ang suapek na si Jeffrey Reyes , alyas ” Jepoy” binata at residente ng Pandacan.

Ang suspek ay inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District-Theft and Robbery Section mayapos ang inalabas na warrant of arrest ni Hon.Tita Alisuag , Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 1 ng Manila.


Ala 1 ng madaling araw nang maares, pinangunahan ni P/ Lt Ramel Lucero, hepe ng MPD- TRS, kasama sina P/ SSG Ericson Aguilar ; P/ SSG Jayson Emata, P/ CPL Serafin Galpo at P/ CPL Tadius Escano , nang ikasa nila ang arrest warrant , bandang 1:00 ng hapon sa bahay ng suspek.

Hindi naman nagawang makapalag ni Reyes , nang posasan ng mga pulis.

Nasa listahan ng most wanted sa area ng Pandacan ang suapek kung saan ang binibiktima nito ay pawang mga driver ng 10 wheeler truck na dumaraan sa nasabing lugar.


Tags:

You May Also Like

Most Read