Latest News

Holdaper, natunton ng MPD sa Bocaue Municipal Jail

Natunton ng mga operatiba ng Manila Police District -District Special Operations Unit (MPD-DSOU) , ang isang residente ng Tondo na wanted sa kasong robbery sa loob mismo ng Bocaue Municipal Jail,kamakalawa ng gabi sa Bocaue,Bulacan.

Nabatid kay PEMS Dedimo Alviar Jr. ng MPD-DSOU, na isinilbi ang arrest warrant laban sa suspek na si Ves Nathaniel Bertiz Sunga, 34, ng No. 1906 Franco St., Tondo, Maynila.


Ang warrant laban kay Sunga ay may kinalaman sa kasong robbery sa ilalim ng Article 302 Par 1 of the Revised Penal Code na inisyu ni Presiding Judge Jennifer Lorena ng MTC, Fourth Judicial Region, San Mateo, Rizal na may Criminal Case No. 4735-023.

Inirekomenda ng korte ang P36,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Nabatid sa isinagawang pagberepika sa kinaroroonan ng suspek ay natunton ito ng mga pulis sa kulungan sa Bocaue,Bulacan. (Philip Reyes)


Tags: Manila Police District -District Special Operations Unit (MPD-DSOU)

You May Also Like