Holdaper, nasakote

Nasakote ng mga elemento ng University Belt Area Police Community Precint (PCP) ang isang construction worker na nangholdap ng isang self-employed,kamakalawa ng gabi sa footbridge ng España Blvd., Sampaloc, Maynila.

Nakuha sa suspek na si Jose Elgino Jr.,34 at taga 171 Rosal St., Brgy. Old Capitol Site, Diliman, Quezon City, ang patalim na ginamit sa pangho-holdap sa biktimang si Airen Canete,32 at taga 669 Earnshaw St., Brgy.458, Sampaloc.

Gayunman,nabigo ang mga pulis na marekober ang Vivo Y20 cellphone na tinangay sa biktima na nagkakahalaga ng P10,999.


Sa imbestigasyon ng MPD-Polixe Station 14, naglalakad umano ang biktima sa footbridge, alas -10 ng gabi nang sabayan ng suspek at kalawitin sa leeg at saka nagdeklara ng holdap at kinuha ang cellphone ng biktima.

Tumakas ang suspek at nagpunta sa kabilang kalsada pero doon siya nasundan ng mga nagrespondeng pulis ng UBA-PCP.

Sinampahan ng kasong robbery-holdup ang suspek sa Manila Prosecutor’s Office.


Tags: University Belt Area Police Community Precint (PCP)

You May Also Like

Most Read