Latest News

Holdaper, nagwala, arestado

Arestado ang isa umanong holdaper matapos na magwala nang mapikon sa mga alegasyon laban sa kanya, kamakalawa ng gabi sa may Lawton Street, sa harap ng Park N Ride sa Ermita, Maynila.

“T… NA NIYO LAHAT NG TIRA NG NAKAWAN DITO SA AKIN NIYO BINIBINTANG SIGE NGAYON MAGBINTANG PA KAYO PAPATAYIN KO KAYO, ” sigaw ng suspek na si Pedrelito Torres,30,Estero De Magdalena Street, Tondo, Maynila, habang tumatakbo papalapit sa isang grupo ng tao.

Ayon kina PSSg Dan Aris Villanueva at PSSg Jomar Regacho, pawang operatiba ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT),naganap ang insidente alas- 9 ng gabi sa nabanggit na lugar.


Nabatid sa mga pulis na nagsasagawa sila ng surveillance at anti-criminality operation dahil sa serye ng reklamo ng holdapan at snatching sa nabanggit ng lugar nang makita ang pagwawala ng suspek.

Hindi na nag-aksaya ng oras sina Villanueva at kaagad na kinompronta ang suspek na hindi naman nanlaban kaya inaresto.


Nasa kustodiya ngayon ng SMaRT ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Article 155 (Alarm and Scandal) ng RPC at R.A. 10591 kilala bilang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act sa Manila Prosecutors Office. (Carl Angelo)


Tags: Special Mayor's Reaction Team (SMaRT)

You May Also Like

Most Read