Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District(MPD),ang isang 30-anyos na holdaper na nambiktima sa isang 15-anyos na estudyante,kahapon ng umaga sa may Rizal Avenue corner Abad Santos,Tondo,Maynila.
Kinilala ni PMaj Rommel Purisima, hepe ng MPD-DSOU, ang suspek na si Brando Veneracion, tricycle driver at residente ng 2960 Int. I, Tambunting, Sta Cruz, Maynila.
Sa reklamo ng biktimang si Jazmen Larrah Jucanas Salas, ng 858 Aurora Blvd., Brgy. 375, Zone 38, Sta. Cruz,naganap umano ang insidente alas- 7:30 ng umaga sa nabanggit na lugar.
Ayon sa biktima, naglalakad siya nang dumikit sa kanya ang suspek ,nagdeklara ng holdap at saka inagaw ang kanyang cellphone.
Nabatid na papasok na sa paaralan ang biktima nang dikitan ng suspek at saka holdapin.
Kaagad namang nagsisigaw ang biktima
na nakatawag ng pansin sa nahpapatrulyang pulis na kaagad.na humabol sa auapek hanggang sa makorner.
Nabawi naman ang cellphone ng biktima na nagkakahalaga ng mahigit P5,000.
Sinampahan ng kasong Robbery (hold up) sa ilalim ng Article 293 ng RPC in relation sa RA 7610 sa Manila Prosecutors Office,ang suspek. (Philip Reyes)