IBINASURA ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang petisyon ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na naglalayong itaas ang minimum wage sa Metro Manila sa P1,007.
Sinabi ng Department of Labor and Employment, RTWPB-National Capital Region (NCR) na hindi sakop ng kanilang hurisdiksyon ang petisyon ng TUCP.
Ang TUCP noong Marso 14 ay naghain ng petisyon para sa arawang dagdag-sahod na P470 sa NCR para maidagdag sa kasalukuyang minimum na sahod na P537.
Sinabi ng grupo na ang kasalukuyang minimum na pang-araw-araw na sahod ay maaari lamang magbigay sa mga manggagawa at kanilang mga pamilya ng “nutritionally deficient survival meals.”
Sinabi rin nito na ang kasalukuyang monthly take-home pay na P12,843.48 ay “masyadong mabab” sa dapat buwanang sahod na P16,625.00 poverty threshold para sa isang pamilya na may limang miyembro sa Metro Manila.
Nagpahayag naman ng pagkadismaya si TUCP Spokesperson Alan Tan Jusay asa desisyon, at iginiit na pinaboran ng RTWPB ang sektor ng negosyo sa halip na ang mga manggagawa.
Sinabi niya pa na maghahain sila ng panibagong petisyon hinggil sa usapin.