Hinihinalang informants nilikida…

By: Victor Baldemor Ruiz

DEAD-on-the-spot isang babae at sugatan ang tatlong iba pa, kabilang na ang isang security guard, matapos pagbabarilin sa loob ng isang ospital sa Dasmariñas City, Cavite kamakailan.

Ayon kay PLtCol. Julius Balano, hepe ng Dasmariñas City Police, pinagbabaril ng gunman ang babae na naka-confine sa ward ng ospital dahil sa tama rin ng bala .


Sa mga larawan na ibinahagi ng Dasmariñas City Police, makikita na palabas ang itinuturong gunman sa loob ng waiting area ng ospital bandang alas-3 ng madaling araw.

Kita rin na naghihintay umano ang isang ‘lookout’ ilang minuto bago ang isinagawang paglikida sa biktima na umano’y isang police asset.

Mabilis namang nakatakas ang gunman kasama ang isang lookout at driver ng getaway vehicle.


Lumitaw sa inisyal na pagsisiyasat na mabilis na nakatakas ang mga suspek.

Ayon sa pulisya, tumakas ang tatlo sakay ng dalawang getaway motorcycle.


“Yung gunman sumakay sa driver ng getaway vehicle, yung isa naman nag-drive ng isang motor,” anang opisyal.

Tatlo ang nasugatan sa insidente, kasama na ang security guard ng naturang ospital.


Dagdag ni Lt Col. Balano, dating impormante ng pulisya ang babae kaya isa ito sa mga tinitingnan na anggulo sa pagpaslang sa kanya.

Nasa ospital umano ang babae matapos matamaaan ng bala sa isa ring insidente ng pamamaril sa Dasmariñas noong August 22.

“Personal na galit siguro kasi galit na galit at pinagplanuhan ang pagpatay,” ayon sa pulis matapos na madakip ang isa sa mga suspek na nagsilbing lookout.



“Yung suspect na nahuli, yun ang sinabi na tinuluyan na ng suspect,” ani Col Balano.

Tags: Dasmariñas City Police

You May Also Like