POSIBLE umanong hindi kinatatakutan ng mga tiwaling police officers si Philippine National Police chief Police General Rodolfo Azurin Jr., kung totoo na may bumawas sa 990 kilo ng shabu na nasabat sa Maynila para i- recycle.
Kaya ipinag utos ni General Azurin na alamin ang pagkakasangkot ng ilang mga opisyal sa nasabat ng 990 kilo na shabu sa Maynila nitong October 8.
Ayon kay General Azurin , may mga pangalan na silang nakuha na iniuugnay sa kalakaran ng iligal na droga at isa rito ito ay isang heneral na kasalukuyang nasa “floating status” umano.
Hindi naman kinilala ng heneral ang nasabing opisyal dahil wala pang sapat na ebidensyang magdidiin dito sa iligal na droga.
Maliban sa heneral, may dalawa pang pulis na iniimbestigahan dahil umano sa pagre-recycle ng iligal na droga na nakumpiska sa operasyon.
‘Di umano nangupit kasi ang mga ito ng 42 kilos ng shabu sa nakumpiskang 990 kilos na shabu sa Tondo nitong kasalukuyang buwan lamang at sana ay ire-recycle. Tiantayang may street value itong aabot sa P258 million.
Matatandang sa pagkakasabat ng PNP ng 990 kilo ng shabu na na halagang ?6.7 billion, naaresto si Police MSgt. Rodolfo Mayo Jr., na aktibong intelligence officer ng PNP Drug Enforcement Group. (VICTOR BALDEMOR)