Latest News

Hindi po ako nakulong — Roderick

By: Gerry Ocampo

SA panayam ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube vlog kay Roderick Paulate ay iginiit ng aktor na hindi niya pinangarap maging isang public servant.
Pangarap niya mula pagkabata ay umarte sa harap ng camera hanggang naging isang child actor nga siya.
Pinasok na rin niya ang pagho-host at nagkaroon ng sariling TV show, ang Dick and Carmi.
Hanggang sa sumikat at makilala bilang isang mahusay na aktor.
Nakasama niya sa pelikula ang itinuring niyang bestfriend na si Maricel Soriano.
Habang nasa rurok ng tagumpay ay may ilang kaibigan siyang hinimok na pasukin din maging isang public servant.  Kaya napilitan din siyang pasukin ang magulong daigdig ng politics. Hindi naman siya nabigo dahil nahalal siyang konsehal sa second district ng Quezon City for three terms at dito na nagsimula na talikuran niya ang showbiz para mag-concentrate sa pagtulong sa kanyang constituents. Ang hindi niya alam, sa pagpasok niya sa pulitika ang magiging dahilan para masira ang iningatan niyang pangalan nang masangkot sa kaso ng pagpapasuweldo sa ghost employees.
Sabi ni Dick (tawag kay Roderick), wala pang final na decision ang kasong isinampa sa kanya dahil umapela sila sa Court of Appeals.
“Hindi ko puwedeng dungisan ang pangalan ko. Alam ng Diyos ‘yan,” say ni Roderick.
At dito na siya nagpaliwanag sa isyu na diumano ay nakulong siya.
“Nagko-comment  yung mga tao, ‘Akala ko, nakakulong ‘yan?” tanong ni Ogie kay Dick.
Pinansinungalingan niya na siya ay nakakulong.
“Once and for all, hindi po ako nakulong. Minsan, lagyan ko na lang kunyari  yung ‘Di ba, nakakulong siya?’ lagyan ko na lang ng  naka-ganu’n, kasi kung sasagot pa ako, baka humaba.
“Yung iba naman nilalagyan ko na lang ng heart… parang ganu’n  na lang. Wala na tayong magagawa, eh, hindi naman lahat nakakaintindi,” say pa ni Dick.
Katunayan, hindi raw niya magagawa ang pelikula nila ni Maricel na “In His Mother’s Eyes” kung siya ay nakakulong. Dahil hindi pinalad na mapasama sa entries sa MMFF 2023 na magsisimula sa Dec. 25,  mas maaga naman mailalabas sa mga sinehan ang movie nila ni Maricel at hindi raw dapat itong palampasin ng mga manonood.
Tags:

You May Also Like

Most Read