Hindi mamatay ang chismis… IVANA, MAYOR ALBEE MULING NAKITA NA MAGKASAMANG NAG-TRAVEL

By: Beth Gelena

MULI umanong na-ispatan sina  Ivana Alawi at Mayor Albee Benitez na magkasama.
Kaya naman hindi pa rin matapus-tapos ang chismis sa dalawang personalidad kahit pa nagbigay na ng statement si Bacolod Mayor Albee.
Maging si Ivana ay nagsabi na ring hindi politiko ang kanyang boyfriend kundi isang businessman.
Kamakailan, after ng statement ni Mayor Albee, isang screenshot mula sa TikTok video ang nag-surface online showing Ivana and Mayor Albee “apparently” together at the airport.
Ang social media personality na si @Auntie Selina ang nag-share ng screenshots.
Iba raw ito sa first video that circulated online.
Sa naunang video,  sina Ivana at Mayor Albee ay parehong nakasuot ng white top.
  Pero sa recent screenshot na shinare, nakasuot ng black shirt ang aktres habang ang nasa likod ng brother niya si Mayor Albee, na nakasuot ng striped shirt.
Komento tuloy ng isang netizen, panay daw ang deny, pero nakikita pa rin sa online na magkasama.
Sey nga ni @auntieselenamo: “Mukbang ba yan mhie?”
“HAHAHHAHA! may pag deny2 pa kasi sila, anyways, time is the ultimate truth teller,”  komento ni @PortiaCeci73322.
“Baka naman may project together.”
“Baka isa ito sa mga pranks ni Ivana hehehe.”
Wait lang, napansin naming hindi si Ivana ang naka-black top kundi ang suot niya ay parang brown top with matching white cap at bag na black.
  Correct me if I’m wrong.
Tags: Ivana Alawi, Mayor Albee Benitez

You May Also Like