HILING NI BATO, ‘TABLADO’ SA SENADO

By: Baby Cuevas

TABLADO sa Senado ang kahilingang ipinarating ni Senador Bato dela Rosa na magamit ng kanyang pamilya ang Senate Mansion sa Baguio City para sana sa Marso 26 hanggang 29.

Napag-alamang lumiham si Dela Rosa kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III noone Marso 12 para hilinging tirhan ng kanyang pamilya ang Senate Mansion para sa gaganaping CSAFP Cup shooting competition sa nasabing lugar at mga petsa.


Gayunman, sinabi ni Senate Secretary Mark Llandro Mendoza na kasalukuyan umanong nire-repair ang nasabing ang mansyon

Bukod diyan, dapat umano ay kasama mismo si Dela Rosa kung gagamitin ng kanyang pamilya ang Senate Mansion at hindi maaring sila lamang ang gagamit nito.

Matatandaan na mula pa Nobyembre 2025 ay hindi na dumadalo sa Senado si Dela Rosa mula nang banggitin ni Justice Secretary Crispin Remulla na may warrant na din ang Senador mula sa International Criminal Court (ICC).


Tags: Senador Bato dela Rosa

You May Also Like