Tinanggihan ng Court of Appeals (CA),ang kahilingan ng detinidong si dating Autonomous Region on Muslim Mindanao Governor Zaldy Ampatuan na mailipat mula sa Bilibid Prison (NBP) sa hospital.
Sa urgent motion isinampa noong Hulyo 20, 2020, hiniling ni Ampatuan na mailipat si Ampatuan sa medical.facility pata maproteksiyunan laban sa COVID19.
Sinabi ni Ampatuan na nakompromiso umano ang kanyang kalusugan nang dumanas ng stroke sa tatlong magkakahiwalay na okasyon bago ma detine sa NBP.
Dumaranas rin umano si Ampatuan ng hypertension, diabetes mellitus, at chronic atrial fibrillation.
Si Ampatuan ay isinangkot sa Maguindanao massacre noong 2009.
Una nang ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court Branch 221 ang mosyon ni Ampatuan pero hindi ito naghain ng motion for reconsideration sa halip ay naghain ng petition for certiorari sa CA.
Inakusahan ni Ampatuan ang Quezon City Court na nagkaroon ng grave abuse of discretion nang tanggihan ang hiling na mailipat sa medical facility. (Anthony Quindoy)














