Latest News

HILING NA EXTRADITION NI QUIBOLOY, INAASAHAN NG DOJ

By: Victor Baldemor Ruiz

By: JANTZEN ALVIN

Inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na inaasahan niya na maghahain ng extradition request ang Estados Unidos para kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy sa lalong madaling panahon.


“We expect the US to file an extradition request very soon since he is already in custody. And remember, we have a treaty with the US and it’s part of the law of the land,” ani Remulla sa isang ambush interview.

Nabatid na noong Nobyembre 10 2021, ay naglabas ng arrest warrant ang US court.

“He should face the music here, especially na pinahirapan niya ‘yung mga pulis na hanapin siya. Ganon din pala, susuko din pala siya or mahuhuli din pala siya. Pinahirapan niya ang ating kapulisan eh, pinahirapan niya ang taong bayan tungkol sa bagay na ito. Dapat talaga dito siya malitis,” ayon kay Remulla.


Inatasan na umano ni Remulla ang mga prosecutors na ihanda na ang lahat ng ebidensiya para sa pagpapatuloy ng paglilitis kay Quiboloy.

Sinabi ni Remulla na kakausapin niya si Executive Secretary Lucas Bersamin kaugnay sa posibleng extradition request.


Kaugnay nito ay sinabi ni Remulla na ang mga complainant ni Quiboloy sa kanyang kasong kriminal ay maaring ipasok sa Witness Protection Program (WPP).

Si Quiboloy ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5(b) at Section 10(a) ng Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.


Ito umano ay bukod pa s kasong qualified human trafficking sa ilalim ng Section 4(a) of Republic Act No. 9208, as amended, sa Pasig RTC na walang piyansa.

Tags: Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy

You May Also Like

Most Read