Latest News

HIGIT P7M SHABU SA SAKO NG CHICKEN FEEDS, NASABAT SA TAGUIG

MAHIGIT P7-milyong halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Taguig City Police Station sa isang lalaki na nagtatakbo nang sitahin sa isinagaang Oplan Galugad, sa Barangay Maharlika Village, Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Taguig Police kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, P/Brig. General Jonnel Estomo, dakong alas 6:30 ng gabi ng Disyembre 23 nang ikasa ang anti-criminality operation sa pamamagitan ng Oplan Galugad ng magkasanib na pwersa ng MCU Substaion 7 at Taguig Mobile Police Unit sa Quiapo Dos, Cagayan De Oro St., Brgy Maharlika Village.


Habang ginagalugad ang lugar nang mapansin ang isang lalaki na may kahina-hinalang kilos na basta na lamang binitawan ang dalang sako ng “Thunderbird Baby Stag” feeds developer at nagtatakbo patakas.

Nang siyasatin ang sako ay natuklasang naglalaman ng isang Chinese tea bag, isang timbangan, 2 medium heat sealed na transparent plastic na naglalaman ng crystalline substance na pinaniniwalaang shabu, na tumitimbang ng 1,140 gramo na may katumbas na halagang P7,752,000.00.

Hinabol man ang suspek na kilala sa alyas na “Racks” subalit nakatakas na ito. (LBP)


Tags: Taguig City Police Station

You May Also Like