Aabot sa mahigit P7 milyong halaga ng illegal na droga mula saa limang abandoadong parcel ang nasabat ng Bureau of customs at NAIA-PDEA sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.
Bago niyan, ang mga naturang parcel ay padala ng iba’t-ibang indibidwal mula Thailand, Canada at California na naka consign sa limang tao na nakatira sa Tondo, Pampanga, Mandaue city, Taytay Rizal at Bulacan.
Natuklasan ng mga tauhan ng Customs at NAIA-PDEA ang laman ng parcel nang idaan ang mga ito sa x-ray machines at physical examination ng customs examiners, kung saan aabot sa 4,877 grams ng ‘kush’ o high-grade marijuana, na may standard drug price na aabot sa P6,827,800 ang natagpuan, habang pitong disposable vape naman na may sangkap na marijuana oil na nagkakahalaga ng P3,780 and nakumpiska din.
Ang mga naturang illegal na droga ay naiturn-over na sa NAIA-PDEA-IADITG para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon.














