Ang mga nahuling iligal na droga habang iniimbentaryo ng BOC. (JERRY S. TAN)

Higit P47-M illegal na droga, nasabat sa isang pasahero sa NAIA

By: Jerry S. Tan

Aabot sa kabuuang P47,695,283,00 million halaga ng iligal na droga ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of NAIA at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa isang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 na nagmula sa Addis, Ababa.

Kaugnay nito, inaresto ng mga operatiba ng PDEA-inter agency drug interdiction task group (IADITG) na pinangunahan ni IADITG commander Gerald Javier, sa NAIA ang nasabing pasahero na kinilalang si Roberth Lavadenz Alvarez, 30, Bolivian National.


Natuklasan ang 10 plastic pouches sa kanyang bagahe kung saan nakalagay ang 405 piraso ng drogang nakabalot ng candy wrapper na may bigat na 8,999.11 grams at naglalaman ng cocaine, matapos itong dumaan sa x-ray machine ng Customs examiner.

Ang nasabing pasahero ay dumating sa NAIA terminal 3 sakay ng Ethiopian Airlines Flight ET644 mula Addis, Ababa kung saan sa Sao Paulo, Brazil ang port of origin nito.

Na-inquest na sa Pasay City Prosecutor’s Office ang nasabing pasahero at ito ay pansamantalang naka-detine sa PDEA sa Quezon City habang isinasagawa ang imbestigasyon.


Tags: Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)

You May Also Like