Nag-turnover ang Customs authorities sa PDEA-IADITG ng inimnbentaryonog iligal na drogang nasabat sa CMEC.

HIGIT P4.5-M HALAGA NG ILIGAL NA DROGA, NASABAT SA CMEC

By: Jerry S. Tan

MAY kabuuang mahigit sa P4.5 million halaga ng iligal na droga ang nasabat ng Bureau of Customs at NAIA PDEA-IADITG mula sa Isang warehouse sa CMEC warehouse sa Pasay City sa pamumumo nina NAIA District Collector Atty. Yasmin Mapa at NAIA-Customs assistant deputy collector Mark Jhon Almase.

Ayon kay Mapa, ang nasabing droga ay natagpuan sa walong abandonadong parcels mula sa California at Canada.

Ang mga naturang parcel ay nagmula sa ibat-ibang sender sa California na naka- consign sa iba’t-ibang indibidwal na nakatira sa Metro Manila, Cavite at San Pedro Laguna.


Ilan sa parcels ay naglalaman ng cartridge cannabis oil na ideklarang Pokemon cards NBA cards, trading cards at jewelry na nagkakahalaga ng mahigit sa P20,160.

Ang walong parcel ay idineklarang GIUFT kung saan nakalagay dito ang 3,232 grams na marijuana o kush na may standard drug price na aabot sa P4,524,800,00 ang halaga.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung sino-sino ang mga sangkot sa tangkang pagpupuslit ng illegal na droga papasok sa bansa.


Tags: NAIA District Collector Atty. Yasmin Mapa

You May Also Like

Most Read