Latest News

HIGIT P321-M HALAGA NG ‘FLOATING SHABU,’ NA-RECOVER

By: Victor Baldemor Ruiz

NASA mahigit 47 kilo ng shabu ang na-recover ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) katuwang ang iba pang ahensiya, matapos na mabingwit ng mga mangingisda ang palutang- lutang na droga sa lalawigan ng Cagayan sa hilagang Luzon.

Ayon sa ibinahaging report ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, nasa 47.35 kilo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P321,980,000 ang nakuha ng kanyang mga tauhan sa tatlong magkakahiwalay na insidente ng pagsasauli.


Sa unang surrender ceremony, may 45.6 kilo ng droga ang isinuko ng dalawang mangingisda nang madiskubre nila ang palutang-lutang na droga sa Barangay Centro 6, Claveria, Cagayan, kamakalawa ng umaga.

Nakasilid ito sa loob ng 50 plastic packs ng gold tea bags na may label na DAGUANYIN” at Chinese characters.

Una rito, isang kilo ng floating shabu na nagkakalahaga ng P6,800,000 ang na-recover sa dagat sakop ng Sitio Narvacan, Barangay Dilam, Calayan, Cagayan sa isinagawang seaborne patrol operation ng mga local authorities.


Kinahapunan, isang mangingisda at barangay kagawad ang nagsuko ng isang pakete ng shabu na itinatayang nasa 750 gramo at may halagang P5,100,000 sa Sitio Mingay, Brgy. San Juan, Sta. Praxedes, Cagayan.

Pinapurihan naman ang tatlong mangingisda at barangay kagawad na tinaguriang mga ‘community heroes’ sa kanilang katapatan at katapangan dahil sa mabilis na pagsasauli ng mga nakuhang droga.


“Local fisherfolks from Zambales, Pangasinan, Ilocos Sur, Ilocos Norte, and now Cagayan, who all surrendered their shabu find, are planting the seeds of honesty and integrity in their communities. They have done something good that inspires others to follow suit”, ani PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez.

“We applaud the integrity of these fishermen. Their courage sets an example for every Filipino. It is clear that public vigilance can be one of our strongest defenses against any evil ploy of drug syndicates”, dagdag pa ni Nerez .


Tags: Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)

You May Also Like