HIGIT P235-M KETAMINE, KUMPISKADO SA 2 PAKISTANI

By: Baby Cuevas

Mahigit 47 kilo ng ketamine powder na itinatayang nagkakahalaga ng P235- milyon ang nasamsam ng pinagsanib na mga operatiba ng Philippine National Police (PNP), Batangas Regional Police, Philippine Drug Enforcement Administration (PDEA) at Bureau of Immigration (BI) mula sa dalawang Pakistani nationals sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa parking lot ng Diamond Hotel sa Roxas Blvd Service Road, Brgy 699, Malate, Maynila.

Ang ketamine ay isang dissociative sedative na ginagamit bilang anesthethic o pampamanhid upang harangan ang sensation ng sakit at pakiramdam bago ang operasyon o mga procedures na hindi nangangailangan ng skeletal muscle relaxation.


Isinailalim sa kustodiya ng PNP-DEG sa Camp Crame ang mga Pakistani na suspek na si Zahid Rafique Pasha,alyas ZP, 50, taga-Malate, Maynila at kasama nitong si Akram Muhammad Faheem, 59, ng Unit 1 Matthew exit Wingan, Parañaque City.

Ayon sa ulat ng MPD,alas 9:10 ng gabi nang ikasa ang buy- bust operation laban sa dalawang dayuhan sa nabanggit na. lugar.

Nakumpiska ng mga awtoridad sa mga suspek ang 10 malalaking vacuum-packed na plastic na may label na ‘A2 Business INC. Citric Acid Powder’ na pinaghihinalaang ketamine na may timbang na mahigit 47 kilos at market value na P235 milyon.


Kumpiskado din ang isang Iphone 15;hotel cards; BDO ATM Card; isang trolley bag na may dalawang piraso ng P1,000 peso bill na nakapaibabaw sa P23 milyon na boodle money, Toyota Fortuner na may plakang NFZ 6509; isang Morris Garages vehicle na may plate number NHb 5325; at cash na P5,750.

Habang nagsasagawa ng inventory ang mga awtoridad ay nakatakas ang kasama ng suspek na ai Faheem pero naaresto rin sa isinagawang ‘hot pursuit operation’.


Dinala sa PNPFG Camp Crame para sa laboratory examination ang mga nakumpiskang ebidensiya.

Ayon kay PCpl Christian David Villaflor, nang isagawa ang nasabing operasyon ay nakasuot ng worn body camera at alternative recording device ang mga operatiba.


Tags: Batangas Regional Police, Philippine Drug Enforcement Administration (PDEA), Philippine National Police (PNP)

You May Also Like