Latest News

Higit P1-M halaga ng shabu, nasamsam sa Muntinlupa buy-bust

By: Tony Gildo

Sa pinaigting na anti-illegal drug campaign ng Southern Police District (SPD), matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Muntinlupa City Police Station ang isang high-value individual (HVI) sa isang buybust operation sa Barangay Tunasan sa Muntinlupa City.


Ayon sa Southern Police District, isinagawa ang operasyon sa sa kahabaan ng Purok 4, Arandia Street, Barangay Tunasan, na nagresulta sa pagkaka-aresto kay alyas “MADAAM”, 20, na sangkot sa illegal drug trade sa lungsod.

Sa nasabing operasyon, isang undercover operative ang nagpanggap na bibili ng iligal na droga sa suspek, na dinakip matapos n kumagat sa pain.

Nasamsam sa operasyon ang ilang plastic sachets at isang plastic bag na naglalaman ng 159.5 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang standard drug price (SDP) na P1,084,600, bukod sa buy-bust money.


Ang naarestong suspect ay nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165, o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Tags: Southern Police District (SPD)

You May Also Like

Most Read