MAHIGIT isang kilo ng shabu na itinatayang may street value na P7.6 milyon ang nakumpiska sa isinagawang bu- bust operation kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila ng mga operatiba ng Manila Police District -Police Station 4.
Nasa kustodiya ng MPD-PS 4 ang suspek na si Richmon Brown y Soriano, alyas ‘Brown’, 33, ng No. 1547 Prudencio St., Brgy. 484, Zone 48, Sampaloc, Maynila;
Napag-alaman na ikinasa ang buy- bust operation alas- 9:30 ng gabi sa bahay ng suspek matapos makatanggap ng impormasyon ang pulisya ukol sa iligal na aktibidad ng suspek.
Nakumpiska mula sa suspek ang may 1,125 gramo ng shabu, buy-bust money na P1,000 at 109 piraso ng boodle money.
Samantala ay sinampahan na ang suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 na kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Manila Prosecutors Office.














