Inihayag ni Comelec Chaiirman George Garcia ang 31,000 registrants sa unang araw ng 2026 BSKE at SRAP registration.

Higit higit 31K registrants, naitala ng Comelec sa unang araw ng 2026 BSKE at SRAP registration

By: Jerry S. Tan

Higit higit 31K registrants, naitala ng Comelec sa unang araw ng 2026 BSKE at SRAP registration

Iniulat ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes na mahigit sa 31,000 registrants ang kanilang naitala, sa unang araw pa lamang nang muling pagdaraos ng voter registration period para sa 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa Metro Manila at muling paglulunsad ng Special Register Anywhere Program (SRAP).


Base sa datos ng Comelec, sinabi ni Chairman George Garcia na may kabuuang 31,899 eligible voters ang nagparehistro nitong Lunes, Oktubre 20, upang makaboto sa nalalapit na halalan. Sa naturang bilang, 1,257 ang mula sa Metro Manila.

Sa mga itinayong SRAP sites, ang Region IV-A (Calabarzon) naman ang iniulat ng Comelec na nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga nagparehistro, na nasa 8,290.

Sinundan ito ng Region III (Central Luzon) na nasa 4,100; Region XII (SOCCSKSARGEN) na nasa 1,999 at Region XI (Davao) na nasa 1,867.


Ang voters’ registration ay magtatagal lamang ng pitong buwan at magtatapos sa Mayo 18, 2026.

Ayon kay Garcia, target nilang makapagtala ng 1.4 milyong bagong botante sa naturang panahon ng rehistruhan.


Tags: Comelec Chaiirman George Garcia

You May Also Like