HIGIT 50% ANG VOTERS’ TURNOUT SA TUBARAN, LANAO DEL SUR… SPECIAL ELECTIONS; NANANATILING MAAYOS – PNP

AYON kay PNP Directorate for Operations (DO) PMGen. Val De Leon, naging maayos ang naging botohan sa 12 barangays sa bayan ng Tubaran bagamat sadyang maigting ang tungalian para sa mayoral post.

Walang naitalang mga untoward incidents simula ng magbukas ang mga presinto kahapon nang alas-6:00 ng umaga hanggang sa mag sara bandang alas 7:00 ng gabi


Ang resulta ng special election ang siyang magdedesisyon kung sino sa pagitan nina Incumbent Tubaran Mayor at reelectionist Khaledyassin Papandayan ng Lakas-CMD at Nashif Madki ng Aksyon Demokratiko ang tatanghaling alkalde ng bayan ng Tuburan matapos idineklara nuong Mayo 9, 2022 na nagkaroon ng failure of election sa bayan

Halos isang libong sundalo at pulis ang itinalagang magbantay sa ginanap na special election kaya payapa ring nadala sa municipal board of canvassers ang mga boto na agad ding nailipat sa provincial board of canvassers.

Nabatid na mga pulis na rin ang nagsilbing mga Board of Election inspectors.


Ayon sa datos ng COMELEC mahigit 55 porsyento ng registered voters ng may 12 barangay ang bumoto.

Ayon kay Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Police Regional Director Police Brigadier General Arthur Cabalona, 643 out of 968 or 66 percent ng registered voters ang bumoto sa Barangay Buribid, habang 2,862 out of 5,176 o 55 percent ng registered voters ang sumali sa eleksyon sa Barangay Tangcal.


Habang 399 out of 777 or 51.4 percent ng registered voters sa Barangay Tubaran Proper ang bumuto rin.

Sa pagtataya ng Commission on Elections, wala ng epekto ang 6,000 botante ng 12 barangay sa Tubaran sa national elective positions.


Nasa mahigit isang libong mga tropa mula sa PNP at AFP ang idineploy sa bayan ng Tubaran para matiyak na maging maayos at mapayapa ang halalan.

Batay sa monitoring ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR) as of 1PM kanina ang voters turn-out sa Barangay Buribid ay nasa 62.5% out of 968 voters nasa 605 ang bumoto.

Sa Barangay Tangcal nasa 53% ang voters turn-out, sa 5290 registered voters nasa 2804 lamang ang bumoto.



Habang sa Tubaran proper nasa 51% ang voter’s turnout out of 777 registered voters 396 ang bumoto.

Mga tauhan ng PNP ang nagsilbing electoral boards sa isinagawang special elections.

Samantala, todo ang bilin ni PRO-BAR Regional Police Director BGen. Arthur Cabalona sa kaniyang mga tauhan na nagsilbing mga electoral boards na panatilihin ang pagiging neutral sa trabaho. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: PNP Directorate for Operations (DO) PMGen. Val De Leon

You May Also Like