Higit 400k na halaga ng shabu nakumpiska sa Candelaria, dalawang suspek arestado

By: Victor Baldemor Ruiz

Higit apat na daang libo ng Shabu ang nakumpiska sa dalawang suspek sa isang Buy-Bust Operation sa Candelaria, Quezon .

Ang mga suspek ay kinilala na sina Ahrser Niño Catapang Caringal alyas Taba, 24 y/o at si Rander Chiquito Cadiz, 19 y/o pawang nakatala sa listahan ng mga Street Level Individual.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang pitong (7) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 24.25 gramo at may tinatayang halaga Php164, 900.00 DDB Value at Street Value Php 494,700.00.


Kasamang nakumpiska sa mga suspek ang Php1,000.00 na ginamit bilang boodle money, isang (1) light brown wallet at isang (1) unit ng Huawei cellphone.

Ang mga nahuling suspek ay agad namang dinala sa Candelaria District Hospital para sa pisikal na examinasyon at pansamantalang nasa pangangalaga o nasa Custodial Facility ng Candelaria Municipal Police Station para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.


“Pinupuri ko ang Candelaria Drug Enforcement Team sa kanilang matagumpay na pagsasagawa ng operasyon at pagpapatupad ng walang tigil na kampanya kontra ilegal na droga, ito ay isa lamang sa ating mga hakbangin upang panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa ating lalawigan,” ani PCOL Ledon D Monte, Provincial Director ng Quezon PPO.


Tags: Candelaria Municipal Police Station

You May Also Like

Most Read