Latest News

Si Mayor Honey Lacuna at PESO chief Fernan Bermejo habang patuloy na nagbibigay ng trabaho sa mga jobless na residente ng Maynila.

HIGIT 2,000 MANILENYO, NABIGYAN NG TRABAHO SA RECRUITMENT ACTIVITY — MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

HINDI bababa sa 2,000 trabaho ang inialok ng Manila city hovernment, sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Honey Lacuna, para sa mga residente ng lungsod na walang hanapbuhay, sa idinaos na ‘Local Recruitment Activity’ sa lungsod nitong Miyerkules.

Kaugnay niyan ay pinuri ni Lacuna ang Public Employment Service Office (PESO)- City of Manila na pinamumunuan ni Fernan Bermejo, dahil sa matagumpay na pagdaraos ng naturang aktibidad.


Ayon kay Lacuna, isinagawa ang aktibidad mula 9 a.m. hanggang 2 p.m. sa PESO Annex Office sa Park N’ Ride Building, Lawton, Ermita, Manila.

“Ang inisyatibong ito ay ginawa upang mas mapadali ang pag-a-apply ng kapwa nating Manileño na naghahanap ng trabaho,” anang alkalde.

Samantala, inianunsiyo na rin ng alkalde na ang city government ay may alok na libreng training para sa hair and makeup artistry.


Aniya, ang mga interesadong sumailalim sa libreng training ay maaaring bumisita sa MMDC Tayuman Training Center sa Old TESDA Building sa Immaculada St., Brgy. 232, Tayuman, Tondo, Manila, tabi ng Tayuman Police Station.

Ayon kay Lacuna, lahat ng ito ay bahagi ng pagsusumikap ng lokal na pamahalaan na makapagkaloob ng oportunidad sa trabaho para sa mga residente.


Ani Bermejo, ang administrasyong Lacuna ay nagkakaloob rin ng trabaho para sa senior citizens at persons with disability (PWD), sa pamamagitan ng partnerships sa ilang pribadong establisimyento sa lungsod ng Maynila.


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like