Latest News

Higit 1K ecstasy tablets nakumpiska sa Pasay

NADISKUBRE ng isang Customs personnel ang higit sa 1,000 tableta ng party drugs sa Central Mail Exchange Center sa Pasay.

Ayon sa awtoridad, nagsagawa ng inspeksyon sa limang magkakahiwalay na kahina-hinalang padala.

Nang buksan ang dalawang envelope galing sa Germany at Netherlands, nakitang nakatago ang mga tableta ng ecstasy.


Nasabat ang 26.4 grams ng party drugs na nagkakahalagang higit P2 milyon.

Iniimbestigahan naman ng Bureau of Customs kung sino ang mga nagpadala ng ecstasy dahil wala umanong nakalagay na detalye kung kanino ito nanggaling.

Samantala, siniguro ng BoC kasama ang PDEA na mas paiigtingin pa nila ang paghihigpit upang walang makalusot na ecstasy papasok ng Pilipinas.


Tags:

You May Also Like

Most Read