Higit 176K foreign arrivals naitala ng DOT

UMABOT sa 176,857 foreign tourists ang dumating sa Pilipinas sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic simula nang buksan ang bansa sa lahat ng mga biyahero mula sa visa at visa-free countries, ayon sa Department of Tourism nitong Lunes.

Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na dumating sa bansa ang mga turista mula Pebrero 10 hannggang Abril 2, na karamihan ay mula sa United States, sinundan ng Canada, United Kingdom, at South Korea.


“At least bukas na, ‘yun naman ang laging sinasabi ng ating tourism stakeholders. At least bukas na tayo and at least sa Asia, upon the recommendations ng ating health experts, tayo ‘yung least travel restrictions,” aniya.

Binuksang muli ang bansa sa lahat ng dayuhang turista nitong Biyernes.


Tags: Department of Tourism

You May Also Like